Post by Admin on Sept 11, 2015 13:43:33 GMT 8
Paggamit ng Gadgets, Nakakabaog?
"Ang cellphone na nag-i-emit ng mga electromagnetic radiation, can actually be the nicotine of the century... Ang long term-effects ng cellphone ay pwedeng similar sa long-term effects ng paninigarilyo."
Ito ang babala ni Dra. Lulu Marquez sa programang "Private Nights" ukol sa masamang epekto sa kalusugan na maaaring idulot ng paggamit ng gadgets.
Ipinaliwanag ni Marquez na naglalabas ng radio frequency electromagnetic radiation (RFEMR) ang mga gadget at appliance, na nakapipinsala ng mga cell at nakasasama sa kalusugan.
Madali lang ding nakakatagos ang mga naturang invisible wave sa katawan na binubuo ng tubig ang 75 hanggang 80 porsyento.
Kabilang sa mga problema sa kalusugan na idinudulot ng RFEMR ay ang pagbaba ng sperm count at negatibong epekto sa mobility (paggalaw) at morphology (porma) ng semilya.
Dagdag sa mga problemang dulot ng RFEMR exposure ang mas mabilis na pagkapagod, mas mataas na tsansang magkaroon ng Parkinson's at Alzheimer's diseases, pagdami ng kaso ng autism, hirap sa pagtulog dahil sa pagbaba ng melatonin o "sleep hormone" at madalas na pagsakit ng ulo.
Ilan sa mga maaaring gawin para mabawasan ang RFEMR exposure ay:
- huwag ilagay sa bulsa ang cellphone;
- iwasan ng mga buntis na ilapit sa kanilang tiyan ang mga gadget at radyo;
- iwasan ang matagal na tawag sa cellphone, bagkus ay mag-text na lamang;
- paggamit ng speaker at air-tube headset kung may kausap sa cellphone;
- huwag ilagay sa ulunan ang mga gadget habang natutulog; at
- limitahan ang paggamit ng Wi-Fi at mga gadget, lalo ng mga bata.